bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

strawberry milk shake
period.
happy birthday nick jonas
voice your displeasure
switchfoot
ang napurnada kong pangarap
kung hei baboy
LOL
crap!
spiderman

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Tuesday, October 23, 2007

spiderman

" people will adore and love you for all the things you have done for them, but will hate you for a single mistake. that's the irony of life." - uncle Ben

Posted by hanaKZ at 12:34 PM |
|


Monday, October 15, 2007

buraot pare, buraot!

bakit ganun? pinag-aksayahan mo na ng pera ang isang bagay tapos di mo rin naman pala ito magagamit. buong araw kang naghintay kasi baka sakaling mapakinabangan mo ang halaga nito tapos sa huli wala pa rin. nasayang lang ang lahat ng iyong pinaghirapan. mantakin mong dalawang araw kang unlimited text tapos 206 ng smart lang ang magte-text sayo, diba masakit yon? diba pare, diba?!

Posted by hanaKZ at 9:45 AM |
|


Wednesday, October 10, 2007

sari-sari

"kasi di' na nagbabasa ng bible kaya kung anu-anong pumapasok sa isip"

haha, yan ang pumasok sa isip ko habang gumagawa ako ng panibagong entry. siguro nga nawalan na ako ng oras sa pagbabasa ng salita ng diyos kaya kung anu-anong naiisip ko. parang lalong umandar ang pagka-paranoid ko. sama nito!

minsan kasi kahit gusto kong gawin ang isang bagay lumalabas pa rin ang katamaran ko. hanggang ngayon patuloy ko pa ring sinasaliksik ang gamot sa sakit na katamaran. ako'y laging bigo. katulad ni yvette tinatamad na akong maging tamad.

****

kahapon ay nakausap ko ang aking kaibigan na nabanggit ko sa aking nakaraang entry. masaya at nakangiti akong nakaharap sa kanya. walang bahid ng pagkatampo sa akin dahil nailabas ko na ang aking saloobin sa blog kong ito. kami ay sandaling nagkausap at nagtawanan noong hapong iyon sa labas ng aming paaralan. kitang-kita ang mga ngiti sa aming mga mukha na nasisinagan ng sikat ng araw habang kami ay papalayong kumakaway sa bawat isa. masarap sa pakiramdam ang ganito. mahal ko ang aking mga kaibigan at sana kahit sa maliliit na bagay ay hindi ko sila masaktan.

****

ako ay na-inspired sa bagong blog na aking natagpuan. ang blog ni jazzy.

Posted by hanaKZ at 3:25 PM |
|


Tuesday, October 09, 2007

respect pare, respect

ang bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang paniniwala sa buhay at dapat itong galangin ng bawat tao na pumapaligid sa bawat isa sa atin.

alam kong gumamit ka ng mga salitang hindi nakakasakit sa pandinig ng isang tao, ngunit sa aking sitwasyon hindi ito naaayon sa kalagayan ng aking kalooban. hindi tayo magkapareho nang nakalakihan at nakasanayang kultura. iba ako, iba ka. kahit kaibigan mo man ang isang tao, hindi ibig sabihin nito ay marami ka nang nalalaman tungkol sa kanya. alam kong iisipin mo na naguumapaw at nasosobrahan ako sa reaksyon kapag sinabi ko ito sa iyo pero sa totoo lang natamaan ang aking pagkatao.

sana'y minsan ay iwasan nating magsalita ng mga bagay na wala naman tayong nalalaman kung ano ang totoong dahilan. muli-muli ay pagisipan muna nating mabuti kung ano man ang mga nais nating sabihin.

respeto lang po ang kailangan.

Posted by hanaKZ at 12:09 PM |
|