bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

strawberry milk shake
period.
happy birthday nick jonas
voice your displeasure
switchfoot
ang napurnada kong pangarap
kung hei baboy
LOL
crap!
spiderman

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Wednesday, June 27, 2007

ano na namang kalokohan yan?


BUSY ANG LIFE

Posted by hanaKZ at 7:33 AM |
|


Tuesday, June 12, 2007

looooooooseeeeerrrrr

kagabi bago ako natulog nagmuni-muni muna ako. syempre naisip ko na naman yung mga kapalpakan, kabobohan at kabalbalan ko. halos araw-araw ko atang naiisip yun eh, syempre halos araw-araw ata ako nagmumuni-muni ng mga bagay-bagay.

at na-conclude ko na isa ata (pala?) akong loser. as in to the L, to the O, to the S, to the E, to the R. isang malaking LOSER. can't help it eh.

dami ko nang kapalpakan bilang isang anak, kapatid, estudyante at kaibigan. medyo 'di lang halata. pero wala naman siguro akong natatapakang ibang tao sa kabila ng pagiging loser ko. siguro nadi-disappoint ko lang yung iba. pero minsan 'di maiwasang may magalit. you know, kaeng-engan.

siguro ang pagiging loser ko rin ang dahilan kung bakit nahihirapan ako mag-trust sa isang tao kahit kaibigan ko siya. ang pagiging loser ko rin ang dahilan kung bakit ako paranoid sa lahat ng bagay. haaaayyy...kaawa-awang nilalang.

basta! magulo! gusto ko lang ilabas.
para ngang loner na rin ako eh, ta's loser pa. wala na muka na kong basura. walang makakaintindi sa'kin. buraot! 'di ako 'to eh.

Posted by hanaKZ at 11:47 PM |
|


Sunday, June 10, 2007

the beat

sa ngayon meron akong bagong talent na nadiskubre, mga 4 weeks ago lang.
ang pagda-drums.
sumali kasi kami ng mga ka-church mate ko sa isang workshop (ang workshop na ito ay para sa mga youth na gustong matuto ng pagpe-play ng instruments tulad ng guitar, base guitar, keyboard at syempre drums).

five days lang yung workshop kaya basic lang tinuro sa'min. pero kahit five days lang yon dami kong natutunan ah. nung una nga 'di ko pa makuha yung tamang beat kahit basic lang pero ngayon ok na. sarap ng feeling.

sana nga marami pa 'kong matutunan about playing drums. sana rin makapag-drums ako ng isang buong kanta.

hihihihihi..... kanina nagmumuni-muni ako. naisip ko, aba! 'pag 'di ako pumasa sa nursing board exam baka mag-drums nalang ako habang buhay. waaaahhhhh....totoo ba to? oo naisip ko talaga yon.

mas masaya nga eh. kasi mas gusto ko yung ginagawa ko kesa naman maging utusan ng doctor (sensya na sa mga nurse, ganun talaga naiisip ko eh) sa ibang bansa. makakapag-serve ako sa church at mape-praise ko pa si Lord through my drumming skills.

yes! may bago na 'kong career.

Posted by hanaKZ at 11:10 PM |
|


Friday, June 08, 2007

mas nonsense 'to

"honey why you're calling me so late......" toinks! at bigla akong nagising mula sa pagkakatulog ng mahimbing. nagising ako dahil sa isang kanta. ako'y bumangon, walangjek! tulog pa mga kasama ko. nagtulug-tulugan nalang ako, hehehehehehe....
dun kasi ako natulog sa bahay ng classmate ko nung isang araw. mga alas 3 na ata kami nakatulog kaya medyo matagal kaming nagising.

wala lang, kinuwento ko lang para mahaba-haba ang post ko, hehehehehe...'lang kakwenta-kwenta!

kanina nasa may bintana ako tinitignan ko yung mga humaharurot na sasakyan kasabay n'on ay may iniisip ako. iniisip ko mga kabobohan ko, kabalbalan ko, katangahan ko at iba pang mga kapalpakan ko. sa susunod ko nalang iku-kwento, emo eh. ayoko muna magpaka-emo ngayon.

ay hindi, iku-kwento ko nalang.

ay hindi, 'wag na.

ay basta! sa susunod nalang.

o cge na nga!

at syempre ibig sabihin na naman nito wala na namang sense mga pinagsasasabi ko dito. oh c'mon! lagi nalang?!

baka later i will make pa-enroll na siguro (conyo? 'di bagay, ulitin!).
baka mamaya magpa-enroll na ko (yan!). wala lang kinuwento ko lang ulit pampadagdag.

basta sa susunod na 'ko magpo-post ng makbagdamdamin.

Posted by hanaKZ at 10:17 AM |
|


Wednesday, June 06, 2007

nonsense lang

sa totoo lang ang dami kong pinag-gagagawa sa buhay ko nung nagdaan na mga araw kaya 'di ako masyadong nakakapag-post, tsaka medyo tinatamad din ako mag-post ng bagong entry. (sakit ko kasi ang katamaran)

kahapon may naisip ako na dapat ipo-post ko dito kaso lang medyo madrama kaya 'wag nalang muna. puno na 'ata ng drama itong blog ko kaya dapat muna akong mag-tigil sa mga ganyang bagay baka kasi ma-nominate na 'ko ng best actress sa famas.

kagabi nasa bahay lang ako, di ako lumaboy, medyo tinatamad kasi 'ko eh kaya nanood nalang ako ng t.v buong gabi. saya ko kasi napanood ko na naman yung one tree hill. pa'no kasi medyo nata-touch ako sa pagkakaibigan ni peyton at ni brooke, best friends na ulit sila!
tapos eto pa nung nanood ako ng pbb ewan ko lang kung bakit ha, pero naiyak ako nung nakipagkita si bea at gee-ann dun sa mga ex nila, ang weird. 'no bang ka-emo-han yan! siguro epekto ito ng pag-kain ko ng sampung piraso ng polboron na hindi umiinom ng tubig.

sus! malapit ng matapos ang mga masasayang araw ko dahil pasukan na naman. makikita ko na naman ang mga school mates at classmates ko at 100% 'di ako excited. 'di pa nga ako nakakapag-pa-enroll eh. pa'no kasi lilipat sana ako ng school kaso 'di ako pinayagan eh, sayang talaga.

sa susunod na 'ko mag-po-post ng mga may katuturan (at kelan pa 'ko nakapag-post ng may katuturan?), 'di masyadong puma-function ang minsan ko lang gamitin na utak ko.

Posted by hanaKZ at 10:56 AM |
|