bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

strawberry milk shake
period.
happy birthday nick jonas
voice your displeasure
switchfoot
ang napurnada kong pangarap
kung hei baboy
LOL
crap!
spiderman

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Tuesday, March 13, 2007

eto na naman po tayo

kanina habang ako ay naglalakad pauwi (galing ako'ng school), umandar na naman ang isip kong magulo.

diba masakit 'pag may friend ka, as in your like best friends, tapos biglang dumating yung time na parang ayaw niya nang laging sumasama sayo or nakakita na siguro siya ng bagong friend na mas masarap kasama kaysa sa'yo or hindi na siya masyadong masaya 'pag magkasama kayo? diba, diba, masakit yun?

sasabihin mo ba yung sakit na nararamdaman mo sa friend mong 'yon? or tatahimik ka nalang?

for me, tatahimik nalang siguro ako. kasi naisip ko 'pag sinabi mo sa kanya 'yon edi hihingi siya ng sorry sa'yo at dahil nalaman niya na yung nararamdaman mo, lagi na ulit siyang sasama sa'yo kahit 'di siya masaya, kahit napipilitan lang siya. o diba ang pangit naman nung gan'on, sumasama lang siya sa'yo kahit napipilitan lang for the sake na para hindi ka lang masaktan or ma-left out. ang pangit nun ah! mas masakit!

haaayyy...everyone needs a friend!

o! drama na naman 'to! kakapagod na magdrama ha...

***********************************************

ang drama na nga ng buhay mo ta's lagi ka pang pinapagalitan ng tatay mo. pinag-aral ka nga, yung course naman na ayaw mo pinakuha sa'yo, dun pa sa school na ayaw mo. maganda nga buhay niyo lumipat naman kayo ng tirahan malayo sa mga kaibigan mo. ano na? muka na talagang tae buhay mo niyan.

pero, i know, everything happens for a reason. may plan siguro si God kung bakit ako napadpad dito.

Posted by hanaKZ at 6:19 PM |
|


Wednesday, March 07, 2007

ako rin no!

woohoo! i feel better now!

special thanks to Yvette, Rus and Ate Roela, naintindihan nila ang situation ko. 'di na ko masydong apektado sa mga bagay-bagay sa tabi-tabi. i think i can stand on my own na. 'di na 'ko masyadong nangangailangan ng karamay lalo na't parang nadaan lang sa pilit ang lahat.

dramatic? no! i'm just being true to myself.

syempre kailangan bigyan rin natin paminsan-minsan ng pride ang ating mga sarili. mahirap na baka sumabog, mas malaki ang maidudulot na sakit.

may makakaintindi kaya sa mga pinagsasasabi kong 'to? o ako lang?
bahala na! blog ko naman 'to eh, hihihihihi....
basta ang importante nararamdaman ko na magiging maayos na ang lahat, 'di lang puro lungkot. alangan namang sila laging masaya tapos ako laging malungkot? aba! 'di naman ata pwede yun, parang nababalewala na ata ang human rights ko nyan.

kailangan ko ng bawas-bawasan ang pagiging emo sa totoong buhay kasi minsan masagwa na e. parang umo-over na. hangga't kaya mo pang maging masaya sa araw-araw na ginawa ni Lord, kayanin mo. at kung hindi na kaya, pakamatay ka na! joke lang, hihihihi....'wag masama yun.

Posted by hanaKZ at 8:15 PM |
|


Monday, March 05, 2007

embracing death

imaginary friend: ano na nangyayari sa'yo?
ako: eto! hanging. it's like i'm living in a place na puro strangers.
imaginary friend: ok lang yan!
ako: lahat naman ok eh, kahit nafi-feel mong may konting pain. ano ba! ang emosyonal ko na talaga! hindi naman ako ganito dati ah!


well, sa totoo lang im dealing with my emotions ngayon. ang hirap talunin.

tae (natutunan ko kay yvet) talaga buhay ko ngayon, meaning, shiyeeeetttt....!

hindi sa pagiging over ha pero sa totoo lang gusto ko na talaga mamatay eh. 'ba naman! no pa po-problemahin mo? sa langit walang kalungkutan, lahat masaya, lagi nag pe-praise and worship, walang gulo, peaceful at ang pinaka-bigatin pa jan makikita mo na si Lord. masaya yun! to live is Christ and to die is gain.

sus! dito sa earth? never mind nalang, tae talaga.

Posted by hanaKZ at 10:32 AM |
|


Friday, March 02, 2007

bf

eto 'ko ngayon walang magawa. kawawa naman.

naisip ko lang, sana may best friend ako ngayon.
yung pwede kong malapitan sa oras ng pangangailangan. yung makakasundo ko. yung masarap kasama, tipong ok lang kahit simula umaga hanggang gabi kami na magkasama tapos nagkwe-kwentuhan, nagtatawanan, nag-she-share ng secrets and everything. yung parang parehas kami ng utak. yung 'pag kasama mo siya nararamdaman mo na gusto ka niya ring kasama. yung ok lang sa kanya kahit kayong dalawa lang lagi magkasama. yung 'pag magkasama kayo laging no dull moments. yung nasasabi mo sa kanya ng direcho kung ano yung gusto mong sabihin. yung parang 'pag pumupunta siya sa bahay niyo hindi siya nahihiya. yung parang kapatid mo na.

best friend ko nasan ka na ba?

Posted by hanaKZ at 8:32 PM |
|