bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

strawberry milk shake
period.
happy birthday nick jonas
voice your displeasure
switchfoot
ang napurnada kong pangarap
kung hei baboy
LOL
crap!
spiderman

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Monday, October 30, 2006

new friend?!

hmmm..kakagaling ko lang sa galaan ngayong gabing ito, hihihihi... grabe halos araw-araw na ata akong nagala ta's gabi nauwi. tsk, tsk, tsk.. lagi ko kasama yung mga college classmates ko. actually, sila yung tinuturing kong close friends dito.

si erica, felix, jillca, julie, kara bianx and karrah mae.

pero may nadagdag sa aming isa, si auggie.

sa totoo lang naiilang pa akong makisama sa kanya kasi parang bigla lang siyang sumulpot sa samahan namin nang hindi masyadong inaasahan. sabi niya, gusto niya sumama sa amin dahil masiyahin daw ang samahan namin pero nahihiya talaga ako makisama sa kanya.

bakit kaya???

siguro dahil nung unang sama niya sa amin nilibre niya kami agad. para sa akin nakakahiya magpalibre sa isang friend kung bago mo pa lang siya nakilala.

siguro dahil sa pinapasakay niya kami sa 4 wheels niya at hinahatid isa-isa sa bahay. para sa akin nakakahiya yun. 'ba naman kabagong friend pa lang hatid agad isa-isa.

siguro dahil pangit yung unang pagkakakilala namin sa kanya. kala namin dati masama ugali niya kasi 'yun yung nababalitaan namin sa iba niyang ka-group mate sa health ethics namin tsaka nilait niya rin daw yung merienda na binigay sa kanila nung intrams (volleyball player kasi siya nun).

siguro dahil para sa akin mas mataas yung level niya kesa sa amin. mayaman kaya siya, e kami??? laging walang pera.

siguro dahil 'pag nagala kami sasakyan niya yung ginagamit tapos siya pa yung laging nanglilibre sa amin. syempre no! mas nakasanayan ata namin ang mag-ambagan 'pag dating sa kainan pero oks lang kung paminsan-minsan may nanglilibre. pero siya sa tuwing lakad namin siya lagi ang gumagastos. nakakahiya.

siguro dahil tahimik siya minsan 'pag kasama namin siya at hindi siya maka-relate sa mga pinaguusapan namin.

siguro dahil mabababa lang ang mga kaligayahan namin at siya siguro hindi?!

siguro dahil mga medyo baliw kami at siya medyo serious type?!

siguro dahil iba ang proseso ng pagkakaibigan namin sa kanya. kasi siya parang dinadaan niya sa libre pero yung samahan namin parang nadaan sa kwentuhan, lokohan at tawanan.

e ganun talaga eh. nahihiya at naiilang ako sayo sumama at makipag-usap eh. pasensya ka na. siguro mawawala rin ang hiya at ilang ko sayo 'pag lipas ng panahon. sana nga?!

i miss my friends... kita tayo sa december...

Posted by hanaKZ at 10:57 PM |
|


Sunday, October 29, 2006

we are the champion

aba! katagal ko na atang hindi nagpo-post. eto na!



actually, dalawang film yung ginawa namin. yung first film comedy, yung second film horror. long exam namin yung unang film, final exam namin yung second film. masaya nga kami kasi parehas na nakasali sa inter-section.

pero aba!aba!aba! hindi namin akalaing mananalo yung dalawang film na ginawa namin. wow! hindi talaga kami makapaniwala.

(nanay ko, nagra-rap na naman! pang-asar!)

back..

sarap ng feeling. imagine, yung dalwang film na ginawa nang section namin nanalo sa inter-section. hay naku! wala talaga akong masabi. hindi ko talaga ma-imagine.
yung second film minadali pa nga yun e. yung first film naman kala namin hindi kami mananalo kasi sabi nung kaibigan ko sa kabilang section sila daw yung nanalo kaya sa isip-isip namin wala na kaming pag-asa dun tapos pagdating sa awarding nagulat kami nung best picture na tinawag yung title nung film namin. hanep talaga.


thank you, thank you, thank you....

Posted by hanaKZ at 5:43 PM |
|


Thursday, October 19, 2006

tapos na!




"at kagabi ang premier night ng short film na ginawa namin"
parang tunay...

'yan ang isa sa mga dahilan kaya hindi ako nakakapag-update dito sa aking napaka simpleng blog.

at 'kala siguro nung iba dahil finals e nagre-review ako, aba! isang malaking himala 'pag nangyari yun. hindi po ako nagre-review, lumalaboy po ako nung mga panahong iyon, nung mga panahong nagsusunog ng kilay ang karamihan sa mga estudyante.

tungkol naman dun sa short film na ginawa namin, success! kahit medyo na-delay ng 4 hours ang film showing.
about sa abortion ang movie na ginawa namin at isa sa mga requirements namin sa health ethics. pinaghalong drama, comedy at horror (ang pinaka highlight).

walangjek! akala ko hindi matatakot yung mga nanonood na taga ibang section yun pala nagtataasan na daw mga balahibo nila at yung iba nasigaw pa. hindi talaga namin ine-expect na magiging ganun ang kalalabasan. syempre no! ano namang malay namin sa paggawa ng movie. saya!

ito ang pinaka gusto ko, sembreak na!
pero para sa akin hindi pa panahon ng pagsasaya at pagdidiwang kasi 'di ko pa alam kung anong kulay ng grades ko sa mga class cards ko (kasi naman 'tong physics na 'to e!) . hindi ko pa alam ang magiging resulta ng katamaran ko. hindi ko pa alam kung ilang milyon ang babayaran ko sa mga extensions ko dahil sa hindi pagsusuot ng hair net at kulang na article sa CHN bag ko tuwing community duty namin. huhuhu..goodluck sa akin...

pero medyo nasisiyahan ako kasi natapos ko na lahat ng retun demonstrations ko. lalo na yung physical assessment na pagkahaba-haba. may isang tanong pa nga yung c.i ko na hindi ko nasagot,

c.i: hana, para saan yang rinne's test na pinerform mo?
ako: aaaaahhh..
ako: e-e-e-air ay bone conduction.
my partner: air conduction huy! masasabi mo na sana hindi pa tinuloy.
c.i: ahh! hanaaaa...
ako: eeeee...
c.i: in love ka no?
ako: hindi po no.
c.i: eh ano nangyayari sayo?
ako: e kasi po ayaw ko naman po talaga mag-nurse eh.
c.i: tiisin mo nalang, sayang matalino ka pa naman.
ako: ngeks! ako? matalino? hindi po no!
c.i: kaya mo yan. sa susunod mag-aral ha..
ako: opo! thank you po.

at yan natapos ko rin yung physical assessment ko. buti nalang at tinulungan ako nung partner ko kundi tres ang kuha ko. salamat sa'yo, ate jev.

at least mapapahinga ko na rin ang utak ko (parang gingamit eh, no!)

3 down, 5 to go...

Posted by hanaKZ at 9:17 AM |
|


Saturday, October 07, 2006

tatlompu't pito

  1. say something about life. i love life!
  2. where do you usually hang-out? and why? sa bahay ng classmate ko kasi nanonood kami ng vcd sa kanila.
  3. fave song as for now? from the inside out pero kung sa secular stars.
  4. last movie you saw? Tristan and Isolde
  5. most expensive object you bought with your own money? sneakers.
  6. yosi or beer? explain. wala!
  7. have u ever fallen in love w/a friend? ewan! hindi pa ata? siguro!
  8. what would you do if you caught your guy/girl &bestfriend sleeping together? hindi ko alam eh. kung may relasyon sila edi silang dalawa nalang, kadaming lalaki eh.
  9. any pets? what are their names? wala akong pets eh.
  10. may nasuntok ka na ba? oo naman pero mga katuwaan lang.
  11. which do u prefer? jollibee or mcdo? mcdo! tambayan namin yun nung high school kami eh.
  12. wendy's or kfc? y? kfc! finger licking good.
  13. ever broken someone's heart? wala pa naman siguro.
  14. ever had your heart broken? parang medyo lang ata.
  15. what did u do to the person who broke yourheart? wala! wala naman akong karapatang magalit. mga kagagahan ko lang yun.
  16. what's inside your pocket? wala.
  17. fave past time? mag net or gumala.
  18. biggest regret in life? narealize ko dapat di na ko masyadong nagreregret sa mga pinaggagagawa at nagagawa sa akin ng buhay ko kasi "everything happens for a reason."
  19. worst experience you've been through? nah! ang dami puros kahihiyan.
  20. best place you'd rather be? heaven.
  21. would you kiss on a 1st date? hindi no!
  22. last time u cried? why? nung nakaraang araw ata? dahil sa pagiging madrama. nagiging drama queen na ata ako.
  23. anong ginawa mo ngayong araw na to? naligo.
  24. huling tinext mo? si tita dings ata o si yvet.
  25. describe yourself. simpleng tao na may simpleng buhay.
  26. huling ginawa mo bago matulog? nagmumuni-muni.
  27. nakapunta ka na ba sa cebu? hindi pa.
  28. huling inutos sayo ng magulang mo? bumili ng ink ng printer at diskette.
  29. magulo ba dyan sa lugar nyo? hindi naman, tahimik nga eh.
  30. happy ka ba ngaun? y? hindi masyado. boring kasi buhay ko ngayon eh.
  31. huli mong kinain? chocolate cake.
  32. huli mong ininom? tubig.
  33. naka-experience ka na ba ng lindol? oo naman.
  34. kelan ka huling sumakay ng elevator? last week
  35. anong gagawin mo bukas? magsisimba at magshu-shoot ata kami para sa short film na gagawin namin.
  36. huling tumawag sayo sa phone/cp? si tita dings ata.
  37. anong oras ka natutulog? minsan 11, minsan 12.

Posted by hanaKZ at 9:00 AM |
|


kanina nanood ako ng PDA. napanood ko yung about sa mga backfight, backfight issues nila. napaisip tuloy ako, " hmm..lahat naman ata ng tao ginagawa or nagawa na yun eh."

kaya hangga't maaari iwasan na yang hindi magandang habit na yan kasi yan ang nakakasira sa mga magagandang samahan ng magkakaibigan. gaya nga ng sabi ng classmate ko nung highschool,


"kayo, kayo na nga lang magkakamukha, kayo, kayo pa nagsisiraan."


sa panahon ngayon mahirap pa naman ang makakita ng tunay mong kaibigan. yung maasahan at hindi ka iiwan.

Posted by hanaKZ at 12:28 AM |
|


Sunday, October 01, 2006

pera, pera, pera

medyo malungkot na naman ako ngayon. mukha kasing magre-resign si ate diane, yung isang engineer nila dadi. sayang! naging close ko na rin siya kahit papaano. ang bait pa naman nun tska ang daming mga kwento. nakakalungkot talaga.

naalala ko pa nga kumain kami sa labas kasama si ate diane at yung isa kong tita. ang saya talaga nun. ta's gumala pa kami pag'tapos naming kumain. basta silang dalawa lang ni tita yung kasundo ko sa opisina. sabi pa nga niya 'pag nakapunta na daw siya sa ibang bansa papadalhan niya daw ako ng package. ang bait mo talaga ate diane.

sana hindi umalis si ate diane kasi malulungkot talaga ako. walangjek! kasi manira yung ibang tao dyan eh pati mga pagkabait-bait na tao sinisiraan pa para lang sa pera. iba talaga nagagawa ng pera. naiinis talaga ako sa mga mukhang pera. isak-sak niyo sa baga niyo yang perang yan. kung mababaw kaligayahan ko mas mababaw kaligayahan niyo! mga mukhang pera!


Posted by hanaKZ at 8:23 PM |
|