bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

strawberry milk shake
period.
happy birthday nick jonas
voice your displeasure
switchfoot
ang napurnada kong pangarap
kung hei baboy
LOL
crap!
spiderman

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Saturday, September 30, 2006

RR

kakatapos ko lang gumala sa mga blog na nasa links ko. sinama ko na rin ang pagko-comment sa mga post nila. saya!

kanina nakapanood na naman ako ng isa sa mga all time favorite movies ko ang Richie Rich. natutuwa pa rin talaga akong panoorin yun. imagine, may McDonalds sila sa loob ng bahay ta's may roller coaster pa.

naisip ko, pa'no kaya kung magkaroon ako ng friend na sobrang yaman? saya nun! siguro halos dun na ako tumira sa bahay nila. siguro lagi pa akong may shopping spree tapos baka nakarating na rin ako sa ibang bansa kasi libre niya. hanep talaga!

naawa nga ako kay Richie Rich nung una eh kasi wala siyang kaibigan. mahirap rin pala ang sobrang yaman no?! kasi wala ka masyadong kaibigan. syempre no! kahit ako mahihiya ring makipagkaibigan sa mga mayayaman kasi ang layo kaya ng level namin. pero depende pa rin, kung gusto niya talaga akong maging kaibigan, y not diba? ok na ok sa akin yun. minsan kasi yung mga mayayaman naghahanap yan ng mga kaibigan na makikinig sa mga problema at hinanakit nila sa buhay. wawa naman.

kasi yung tatay ko meron siyang mayamang kaibigan. minsan pinapunta niya yung tatay ko sa bahay nila tapos ang ginawa lang ng tatay ko, ayun! nakinig buong maghapon hanggang gabi sa mga kwento about sa mga problema ng buhay niya.

mas gusto ko pa ring magkaroon ng marami at tunay na kaibigan kesa yumaman nang yumaman. para sa akin kayaman na rin ang magkaroon ng mga tunay na kaibigan.

Posted by hanaKZ at 10:35 PM |
|


Wednesday, September 27, 2006

From The Inside Out

Posted by hanaKZ at 7:06 PM |
|


Thursday, September 21, 2006

busy

ang busy-busy ng life ko ngayon. sabay-sabay ang mga projects, exam at meron pa kaming shi-nu-shoot na movie para sa finals namin sa health ethics. pero sa kabila ng lahat ng pag-papaka toxic na yan eh tamad (always naman eh!) pa rin ako.

medyo active na ang social life ko ngayon kasi hindi na ako masyadong na-buburo dito sa bahay. para nga atang halos araw-araw na akong gumagala eh.

alas-10 na ng gabi na ako naka-uwi kanina. galing sa galaan at naka-uniform pa. saya!
pag-dating ko sa bahay ganito ang usapan:

ako: oi mi, bumili pala kayo ng cinnamon roll?
mami: oo! (sabay upo)
ako: (punta sa taas at naligo. pag-tapos maligo punta sa baba at nanood ng t.v. ang palabas nung mga oras na iyon ay crazy for you.)
mami: hana, inom ka ng c2 oh...
hana: cge!
mami: san ka galing kanina?
hana: (alaws imik)
mami: gumala ka no?
hana: hehehehe...oo!
mami: hala! lagi ka nalang gumagala ngayon ha.
hana: ayoko kasi dito sa bahay eh.
mami: ahh..

hihihihi.. at 'yun alam na ng nanay ko na-ayaw ko nang tumatambay dito sa bahay namin kasi lagi nandito kuya ko at jowa niya. ayaw ko ring makita minsan yung maid namin kasi baka mag-kasala pa ako ng malaki.

nung isang araw muntik na akong magka-kuliti at first time ko pa 'yon sa buong buhay ko. search kaagad ako sa net kung ano ang pwedeng home remedy sa kuliti. ang gamot lang pala ay wet tea bag. hay! salamat sa tea bag at hindi na lalong lumaki ang kuliti ko kung hindi baka makapag shades ako ng 'di oras kahit naulan (imagine mag-shades habang naulan, no kaya yun? mataas ang sikat ng araw?).

ilang linggo na akong walang cell phone kasi nasira. ayaw na niyang mag-on. hindi ko pa napapagawa kasi alaws pa akong time dahil sa pagiging busy.

--> vet, miss ko na kayo. hindi ko kayo ma-text kasi sira yung cell phone ko eh. malapit na ang december sana makita ko na kayo.

Posted by hanaKZ at 10:33 PM |
|


Sunday, September 17, 2006

pakapalan na to!

sa totoo lang, naiinis na talaga ako sa maid namin. sobrang kapal na talaga ng mukha nia. masyado niya nang inaabuso ang kabaitan ng nanay at tatay ko.

nung una ayos pa kasi medyo nakikipag-kwentuhan ako sa kanya at nag-sasabi rin siya sa akin minsan ng mga problema niya pero hindi nagtagal medyo nagiging feeling na siya. sobrang feeling close na talaga siya. ok lang naman yun eh kaso medyo nakakainis na kung yung maid nio ay hindi nag-papaalam kung kukuha ng pagkain sa ref, kung gagamit ng computer (imagine nag-iinternet ng hindi nagpapaalam? kakapalan na yun ha!), kung susuotin niya yung damit ng kapatid ko at kung gagala.

naiinis naman ako dito sa nanay ko kasi bini-baby pa. sabi pa ng nanay ko, "ampon kaya natin sya." hello! ayoko nga!

mabait naman ako sa katulong kung marunong siyang mahiya at marunong siyang mag-paalam kung gagamit siya ng mga bagay na hindi sa kanya. asar!

grrr.. ang sarap i-evict dito sa bahay. ayoko ng maid na makapal ang mukha..

Posted by hanaKZ at 9:20 PM |
|


Monday, September 11, 2006

student nurse on duty



'no ba ita-type ko?

kaninang alas-siete ng umaga, nag-simula ang duty ko sa hospital, aba! medyo exciting na nakakakaba. ako ay in-assign sa pedia ward at binigyan ng dalawang batang pasyente, nyay! medyo kinabahan ako nung una kasi hindi ko alam kung anong gagawin at kung sino ang uunahin ko. kaya 'yun pinaliwanag ko nalang sa nanay ng pasyente ko na, " ma'am, pasensya na po kayo ha, hindi ko pa kabisado ang gagawin ko, first time ko lang po kasi eh", at naintindihan naman ni ate ang ibig kong sabihin, kaya 'yun chinika niya nalang ako.

dahil ayaw mag pa-sponge bath yung isa kong pasyente at yung isa naman ay hindi pwede, kinuhanan ko nalang sila ng vital signs.
yung isa kong pasyente may pa-balik-balik na lagnat at yung isa naman ay may chronic bronchi asthma.

nag-papasalamat naman ako kasi nandun yung mga 3rd year students na nag-duduty kaya yun nag pa-tulong nalang ako. ang bait nga eh, tinulungan nila ako sa pagkuha ng T.P.R at kung anu-ano pa. kaya tulungan nalang kami.

bukas last day na ng duty ko kasi 2 days lang naman kami eh. parang pinatikim lang kami kung ano ang buhay ng mga nurse sa hospital. pero hinding-hindi ko pa naman na-feel na nurse na ako nung mga oras na iyon kasi wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang mag-lakad-lakad (bawal kasi ang umupo) at kumuha ng vital signs tapos wala na.

bukas naman ay mag he-health teaching kami sa mga pasyente. syempre, kinakabahan na naman ako, hindi ko kasi naranasan ang mag health teaching nung nag community duty kami. pano kaya yun? basta bahala na. kung ano nalang ang lumabas sa dila ko yun na yun.

feeling nurse na kung feeling nurse. hanep!

nga pala! september 11 pala ngayon.

"gunitain ang ala-ala ng 9/11 terrorist attack"

walangjek! na mga teroristang yan, walang magawa sa buhay. akalain mo ba namang paguhuin ang world trade center. lakas ng trip ng mga lokong 'to, walang panama yung mga jackass boys at yung mga wild boyz.

p.s.
nakikiramay rin ako sa pamilya ni mr. crocodile hunter.

Posted by hanaKZ at 4:38 PM |
|


Tuesday, September 05, 2006

new inspiration

hmmm..kanina habang nag-babasa ako ng aking libro sa health ethics e nag-patugtog ako ng mga classical music. aba! totoo nga talaga yung sabi sa reader's digest na nakakatulong sa pag-babasa ang mga classical music. aha! may pag-asa pa pala akong sipagin sa pag-aaral.

mozart

kung sa iba ang inspirasyon nila sa pag-aaral ay ang mga jowa nila, ako? iba! buwahahahaha.. salamat sa iyong mga musika, wolfgang amadeus mozart. ikaw at ang iyong musika ang nag-silbing inspirasyon at pag-asa ko upang medyo manumbalik ang gana ko sa pag-aaral.

si mozart ay ang bagong na-dagdag sa listahan ng mga idol ko. nakanaks!!!

Posted by hanaKZ at 9:39 PM |
|


Monday, September 04, 2006

kailangan ko nang maging masipag.

ako: di! ayoko na mag-aral, tinatamad na ako.
dadi: o sige ba! para wala nang gastos.
ako: o sige! (naka-ngiti)
mami: hindi nag-bibiro lang yan si hana, matalino yan eh!
ako: ngeks! tinatamad na nga ako mag-aral eh, matalino ba yun?

sa ngayon ayan ang set-up ng buhay kolehiyo ko, tinatamad!!! mahirap talagang tamarin lalo na sa pag-aaral. kung ano pa yung gawain na naka-upo ka lang yun pa ang kinatatamaran ng karamihan. nakaka-ubos pala talaga ng energy ang pag-iisip (pag-iisip lang yun ha!)

kelan ba ako magiging masipag sa pag-aaral??? kelan?kelan?kelan?...

Posted by hanaKZ at 6:31 PM |
|


Friday, September 01, 2006

that's what friends are for


"keep smiling, keep shining

knowing you can always count on us, for sure

that's what friends are for

in good times, in bad times

we'll be on your side forever more

oh, that's what friends are for"

Posted by hanaKZ at 10:01 AM |
|