bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

twenty-four
dis-ting-guish
wahahaha....
ako ang bida at walang kontra bida
halo-halo
pasko atbp.
labing walo
ayoko nga eh
mga bakla o bading na naglipana
problema ng bayan

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Tuesday, August 08, 2006

ipamukha ba?

kakagaling ko lang sa school. at ayon pag-dating kain agad tapos harap dito sa computer pero inantay ko muna umalis mga tao dito kasi baka dakdakan na naman ako ng nanay at tatay ko.

at ang dahilan kung bakit napaharap ako sa internet ng 'di oras ay dahil meron na naman akong inis na gustong ilabas.
medyo nainsulto kasi ako sa isang c.i. dun sa school namin. 'ba naman nilait yung printer ko. ganito kasi 'yun, nakiusap kasi sa akin yung prof namin sa philosophy, na ako (kasama na rin yung mga classmate ko) ang gumawa at mag-print ng 340 pcs. na certificate ng BSN-II para sa symposium. e medyo nagkaproblema yung printer ko at sa kalagitnaan ng pag-pi-print ay bigla itong tumigil at 'di na muling gumana. kaya ayun, ni-report ko agad sa prof namin at naintindihan niya naman ang mga pangyayari. at sa aking kamusmusan ngayon ko lang napag-alaman na nakakasira pala ang pag-re-refill ng ink at mas adviceable ang replacement. kaya pala medyo nagka-problema ang printer ko. kaya ayun nakiusap yung prof ko sa isang c.i na sya nalang ang mag-print at babayaran nalang sya ng 5 pesos kada isang sheet pero hindi sya pumayag kasi original daw yung ink niya hindi refill tapos kumpleto pa sa kulay, papayag lang siya kung 7 pesos ang bayad namin kada isang sheet. kaya 'yun, sinabi ko sa prof namin na ok na 'yun kesa naman wala. tapos biglang may tinanong sa akin yung c.i. na 'yun.

si-ay: ano ba brand ng printer mo?
me: canon iP1000 sir.
si-ay: ah?! yung maliit lang?
me: yes sir.
si-ay: yung tag-2000 lang ba yun?
me: ewan ko po? basta kasama na siya sa package nung binili namin yun.
si-ay: ah?! yung mumurahin nga ata yun. yung akin kasi kumpleto yung color ng ink tapos original pa.
me: ahh???
si-ay: disposable ata yung mga ganung printer kaya madaling masira, kung ako sa 'yo bili ka nalang ng bago kesa ipagawa mo yun.
me: umm??? poor lang po kasi kami eh.

grabe ha, medyo nag-panting yung tenga ko dun. oo na mamahalin na printer mo at original yung ink.
hindi ko naman kinakailang mumurahin lang yung printer ko pero wag niya naman sanang ipamukha pa at ipagmalaki na disposable lang yung printer ko, marami kayang tao nakikinig.
'yaan mo pag-naging nurse ako yung pinaka-mahal na printer yung bibilhin ko tapos hindi ko na re-refill-an yung ink laging replacement, tapos 'pag may mag-papa-print sa akin ng 340 pcs. na certificate 'di ko na sila pababayaran ng 700 pesos libre nalang. ano?ha!

Posted by hanaKZ at 1:09 PM |
|