bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

strawberry milk shake
period.
happy birthday nick jonas
voice your displeasure
switchfoot
ang napurnada kong pangarap
kung hei baboy
LOL
crap!
spiderman

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Thursday, August 31, 2006

penguin!

happy birthday
YVETTE MARGIENETTE SANDOVAL
oi! 18 kana. wahahahahaha....miss na kita bru!
miss ko na mga kalokohan natin. miss ko na mga galaan natin. miss ko na mga panonood natin ng sine. miss ko na mga food trip natin. miss ko na ang sabay nating pag-lalabas ng sama ng loob sa mundo. miss ko na ang pag-she-share natin ng mga sikretong nakakatuwa. miss ko na mga kainan natin sa McDo. miss ko na pag-tambay, pag-videoke at pag-lamon namin ng pagkain sa bahay niyo. miss ko na pag-she-share mo sa akin ng chocolates mo. miss ko na pag-papa-utang mo sa akin ng walang bayad, thanks for that ha?!, hihihi...wahahahahaha...basta marami pa kong nami-miss. luvyah bru!, Godbless!!! ingats palagi!!!

Posted by hanaKZ at 12:20 PM |
|


Wednesday, August 30, 2006

wala sa wisyo

hay salamat nabawasan na rin ang mga gawain ko. tapos na rin yung exam ko sa health ethics (midterm pala yun hindi prelim) pero may report pa ako next week, papaturo nalang ako, hihihi.. tapos na rin yung recitation namin sa english at nakatulog na rin ako ng eksakto walong oras. syempre nakapagbasa na rin ako ng bible.
alam ko marami pang kulang kaya sisikapin ko pa itong tapusin.

ano ba nangyari sa akin ngayon?last week?

hmm..last week? actually, nag-intrams and foundation day kami nun, may hang-over pa nga ako sa mga pangyayaring naganap e.
nagpunta ang bamboo at si boy 2 quizon sa school namin. wala lang. hindi naman ako masyadong naki-jam kasi medyo nag-bagong buhay na ako, wahahahaha... very tiring (english???) talaga yung week na yun.

'no ba yan, feeling ko wala na naman ako sa kawisyohan.

kanina? wala rin lang, hihihi...

ahh??? kahapon!!!!
gumala pala ako kahapon. pumunta kami sa bahay ng classmate ko kasi nag-rent kami ng vcd. napanood ko nga yung if only eh (favorite kasi yun nung classmate ko) kaso di namin natapos kasi di namin makita yung disc 2. wahahaha.. lumamon muna kami, at dahil walang budget pancit canton, tinapay at juice nalang ang pinag-salu-saluhan namin. solve! busog na buso nga ako eh. may manggang hilaw with toyo pa. laki na ng tiyan ko sa kakakain.
tapos yun nanood nalang kami ng ibang movie. yung boy eats girl. ang corny parang hindi horror. walang patutunguhan. classmate ko kasi kung anu-ano ni re-rent.

basta yun na yun!!! siguro di masyadong nag-fa-function ang utak ko ngayon. ang labo eh.

nga pala, malapit na kaming mag-duty sa hospital, next week na ata??? sana gumana na nang maayos ang mga neurons ko sa araw na iyon para 'di ako pagalitan ng c.i ko. di pa naman ata marunong ngumiti yun.

never mind.

susubukan ko ng matulog para 'di ako ma-late bukas. haaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy....

Posted by hanaKZ at 9:45 PM |
|


Tuesday, August 29, 2006

katam

ang dami kong gustong i-type pero naguguluhan pa 'ko kung ano ilalagay ko.

magulo utak ko ngayon.

eto listahan ng mga bagay na dapat kong gawin na tinatamad akong simulan:

sa kasamaang palad umatake na naman itong katamaran ko.

kawawang "Hannah" pinanganak na may sakit na katamaran.

Posted by hanaKZ at 8:22 PM |
|


Saturday, August 26, 2006

culture shock siguro ito?

kung hindi kayang i-solve ang problema,
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
pwede naman sigurong takasan?

parang konti nalang, malapit na sigurong mabuo ang desisyon kong lumipat ng school sa second sem. kung hindi ko pa ma-solve itong problemang ito isa nalang talaga ang choice ko ang lumipat ng eskwelahan. mas makakabuti siguro ito para sa akin at sa mga elementong gumagala sa paligid ko.

kailangan ko pang tatagan hanggang sa matapos itong sem. na 'to. alam ko magsisimula na naman ako sa umpisa pero mas mabuti na ang ganito kesa naman patuloy pa akong mag-suffer.

ang hirap talaga mawalay sa lugar na iyong itinuring tahanan, ang hirap maka-relate sa mga taong hindi mo naman nakapareha ng nakagisnang kultura. siguro nasa state of ("culture?") shock pa rin talaga ako.

Posted by hanaKZ at 12:30 PM |
|


Wednesday, August 23, 2006

gusto ko rin nito

may pumasok na naman kanina sa utak ko habang nanonood ako ng volleyball at table tennis sa school namin. intrams kasi.

hmmmm...

gusto ko tuloy maging










volleyball player
at table tennis player


isama na rin natin dyan ang pagiging









singer









drummer
at bassist

kaso mukhang hindi ko na matutunan ang mga yan. 'ba naman 17 yrs. old na ako, ang tanda ko na para simulan ang pag-aaral ng mga 'yan. pero hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa.

waaaaaaah..turuan niyo 'ko.

Posted by hanaKZ at 12:35 PM |
|


Tuesday, August 22, 2006

woah!

HAPPY BIRTHDAY
IVY JOY VALVERDE
miss na kita bakla!..miss ko na makipag wrestling sayo tsaka yung mga jamming sessions natin, hihihihi... miss ko na kakulitan mo pati mga bungguan natin sa corridor. miss ko na mga tawanan natin. miss ko na mga asaran natin. miss ko na mga pagandahan natin (naks!) miss ko na pagtuturo mo sakin ng gitara kasi sintunado yung strumming ko.
miss na kita bruha..luvyah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Posted by hanaKZ at 12:16 PM |
|


Sunday, August 20, 2006

second post

oi,oi,oi...bumalik na pala ulit yung friendster...hihi..pansin ko lang!

nga pala, binasa ko ulit yung dating kong mga entry. may napansin lang ako nung post ko nung tuesday, august 15, 2006, wrong spelling pala yung flush ko. imbis na "f-l-u-s-h" e "f-l-a-s-h" pala yung nalagay ko. wahahaha...

oha! dalawang beses ako ng post ngayon, adik? wahahahaha...

eto na!

actually, marami akong nagawang kasalanan this past few days (oha! english yun!) pero akin nalang muna yun, wahahaha...
nahihiya na nga 'ko kay Lord kasi merong isang bagay na sinabi ko sa kanya na hindi ko na gagawin kaso nagawa ko ulit eh. ang kulit ko talaga. kaya eto "the attack of guilt feelings" (english na naman!, tama ba?!) na naman. eng-eng kasi ako eh, 'di ko masyadong iniisip yung mga hakbang na gagawin ko kaya yun laging nadidisgrasya (hindi yung disgrasya na kadalasang naiisip ng mga tao ha!)

hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago yung paniniwala ko sa buhay. siguro gawa rin ito ng mga taong nakapaligid sa akin simula nung bata pa ako. lagi kasi akong na-di-disappointed. lagi kasi akong napapahiya. sila lang kasi magaling. wala ako nun. buti pa sila meron. sana ako rin. pero di ko kaya. mapapahiya lang ako.
grabeng pag-da-down na 'to sa sarili ko ha!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
hindi kaya ko'to!, kakayanin ko! ako pa. medyo may kakapalan din akong tinatago no. pero kailangan ko pa ng mahaba-habang proseso. pero kailangang kayanin. maraming tutulong sa'yo. mga nag-mamahal sayo. kilala mo lahat sila.

maging worry free kahit isang araw?! achievement na yun para sa akin.
mawalan ng mga taong feeling at nasobrahan na sa kapal ng mukha sa paligid ko?! another achievement na naman. wahahaha..para naman hindi ako makapag-isip ng masama laban sa kanila. yay!

go!go!go!...kayanin ang buhay. hindi tayo taga-rito!, wahahahaha...

Posted by hanaKZ at 8:41 PM |
|



wahahaha..kawawa naman mga adiikkk sa friendster kasi temporary maintenance sila. pa'no ba 'yan! ok lang yan makakasurvive pa kayo temporary lang naman eh. ibang website muna ang pag-tuunan niyo ng pansin. hihihi...

Posted by hanaKZ at 1:11 PM |
|


Saturday, August 19, 2006

sandali lang pala ha!

marami sana akong gustong i-type kaso bigla ng nawala sa isip ko ang lahat. ganito kasi yan nung una binuksan ko 'tong computer ta's nakisingit naman 'tong tatay ko. o sige go, siya muna kahit kakatapos nia lang gumamit.
pag-tapos ni father binuksan ko ulit yung computer, 10:20 pm na ata nun. lumabas muna ako sandali kasi may nagtext sa akin. nagtanong naman 'tong jowa ng kuya ko kung pwede siyang gumamit ng computer sandali kasi mag-fe-friendster daw siya. dahil mabait naman ako, o sige go! sandali lang naman diba?!
aba! inabot na ng 11:30 hindi pa natapos!, 'ba naman yan!..kung 'di ko pa sinabing, "matagal pa yan?" hindi siya titigil. sinabi pa niya, "gagamit ka pala?" sa isip-isip ko, "obvious ba? ako kaya nagbukas niyan." grrrr...
imbis na ang dami ko sanang ita-type, wala na, naglaho na!..agaw trip talaga!..

**********************************************************************

hay naku! ang dami ko na talagang kasalanan. kaya eto. inaatake na naman ako ng mga guilt feelings. sana ma-solve na 'to. ang hirap eh!..

Posted by hanaKZ at 11:34 PM |
|


Friday, August 18, 2006

tingin ka dyan!

Photobucket - Video and Image Hosting

gusto ko 'to ha!

Photobucket - Video and Image Hosting

nice!

Photobucket - Video and Image Hosting

hmmmm...

Photobucket - Video and Image Hosting

cute ha!

habang bumibisita ako sa delias.com nakita ko 'to. hihi..ang ko-cute. gusto ko nga sana mag-suot ng mini-skirt tapos leggings kaso baka pagtinginan ako ng mga tao dito.
kaya mas gusto ko sa manila kasi sa ibang part nito may mga taong walang pumapansin kahit ano pa suotin mo. mas lalo naman sa states.

sana medyo mabawasan na yung timbang ko at tumangkad pa ako para naman masuot ko kahit anong damit ang gusto ko. wahahahah...nangarap na naman!

Posted by hanaKZ at 9:00 PM |
|


Tuesday, August 15, 2006

grrrrr...

yaxx ka dyan!, baka ikaw yaxx.. kung anu-ano ngang ka-corny-han ginagawa nio ng jowa mo. yun ang yaxx 'di ko ma-take. ewwwww... yakkkiiii...
ginagawa niong luneta 'tong bahay!.. ewww... paki mo ba? 'yan pinaka ayaw ko sa lahat eh, pakialamero. 'no ba?! flash nio nga sa toilet mga pagmumukha nio. pang-asar kau!

gusto ko na ilabas lahat ng inis ko at galit ko sa mga taong ginagawang torture ang buhay ko. iisa-isahin ko sila.

alam ko masama mag sabi ng hindi maganda sa kapwa 'pag nakatalikod siya. pero umaapaw na 'tong inis ko sa dibdib ko. wala akong lakas ng loob na sabihin ito ng harap-harapan kaya sa mga kaibigan ko at dito sa blog ko sinasabi ang lahat ng inis at asar ko sa mga taong 'to. sana balang araw masabi ko rin ang lahat ng inis ko sa inyo para naman lumuwang ang dibdib ko.

Posted by hanaKZ at 10:53 AM |
|


Monday, August 14, 2006

sound trip

Stars
Callalily
A picture of you reminds me
How the years have gone so lonely
Why do you come and leave me
Without saying that you love me
I'm saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying
If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only you were here
A picture of you reminds me
How the days have gone so empty
Why do you come and leave me
Without saying that you love me
I'm saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying
If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only you were here
I'm saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying
If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only i had wings
So i can fly
I want to be with you
For all of time
My love for you
Will never die
If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only you were here
(if only you were here)

Posted by hanaKZ at 9:30 PM |
|


Sunday, August 13, 2006

stars

medyo matagal-tagal na rin akong hindi nag-post. medyo naging busy kasi ako sa mga nag daang araw at lagi kasi may sumisingit o nauudlot pag nakaharap na ako sa computer. paano ko ba sisimulan ito?

huhuhu..medyo na hartbroken (corny!) ako, wahahahaha..kasi nagka-jowa yung dalawa kong crush (ang landi!) pero ayos lang agad ko naman silang napalitan, wahahahaha...kapal!

this past few days medyo nagiging gala ako, as in palaboy. gabi-gabi pa. pero masarap ang feeling ha kasi matagal-tagal na rin naman akong naiistuck-up dito sa aming bahay. medyo hindi ko trip tumambay dito sa bahay namin kasi laging nandito kuya ko at yung jowa niya tapos lagi pa 'kong inaaway ng nanay ko at nababadtrip rin ako sa katulong namin. kaya yun inaantay ko munang magdilim sa labas bago ako umuwi.

ohy!, may bagong kanta pala akong na-trip-an. yung "stars" ng callalily. wala lang natripan ko lang, hehehehe...

ka-asar talaga. halos, ay hindi, araw-araw pala talagang nandito kuya ko at yung jowa niya. nakaka-asiwa nga eh. ewwww...ang corny nila. 'di ko alam ganun pala ka-corny kuya ko pag nagkaka-jowa, yaxxxx... siya pa naman nagturo sa akin na kasuklaman ang mga corny-ing bagay, e siya naman pala itong nangunguna diyan. yaxxxxx.

naisip ko, parang ang sarap manood ng mga digital films.



walangjek! naman! stolen shot ko. natripan ko lang ilagay.

siya sige. inaantok na ko. marami pa sana akong gustong ilagay pero parang wala na ata ako sa wisyo. haaaaaahhhhhh.....

Posted by hanaKZ at 10:01 PM |
|


Tuesday, August 08, 2006

ipamukha ba?

kakagaling ko lang sa school. at ayon pag-dating kain agad tapos harap dito sa computer pero inantay ko muna umalis mga tao dito kasi baka dakdakan na naman ako ng nanay at tatay ko.

at ang dahilan kung bakit napaharap ako sa internet ng 'di oras ay dahil meron na naman akong inis na gustong ilabas.
medyo nainsulto kasi ako sa isang c.i. dun sa school namin. 'ba naman nilait yung printer ko. ganito kasi 'yun, nakiusap kasi sa akin yung prof namin sa philosophy, na ako (kasama na rin yung mga classmate ko) ang gumawa at mag-print ng 340 pcs. na certificate ng BSN-II para sa symposium. e medyo nagkaproblema yung printer ko at sa kalagitnaan ng pag-pi-print ay bigla itong tumigil at 'di na muling gumana. kaya ayun, ni-report ko agad sa prof namin at naintindihan niya naman ang mga pangyayari. at sa aking kamusmusan ngayon ko lang napag-alaman na nakakasira pala ang pag-re-refill ng ink at mas adviceable ang replacement. kaya pala medyo nagka-problema ang printer ko. kaya ayun nakiusap yung prof ko sa isang c.i na sya nalang ang mag-print at babayaran nalang sya ng 5 pesos kada isang sheet pero hindi sya pumayag kasi original daw yung ink niya hindi refill tapos kumpleto pa sa kulay, papayag lang siya kung 7 pesos ang bayad namin kada isang sheet. kaya 'yun, sinabi ko sa prof namin na ok na 'yun kesa naman wala. tapos biglang may tinanong sa akin yung c.i. na 'yun.

si-ay: ano ba brand ng printer mo?
me: canon iP1000 sir.
si-ay: ah?! yung maliit lang?
me: yes sir.
si-ay: yung tag-2000 lang ba yun?
me: ewan ko po? basta kasama na siya sa package nung binili namin yun.
si-ay: ah?! yung mumurahin nga ata yun. yung akin kasi kumpleto yung color ng ink tapos original pa.
me: ahh???
si-ay: disposable ata yung mga ganung printer kaya madaling masira, kung ako sa 'yo bili ka nalang ng bago kesa ipagawa mo yun.
me: umm??? poor lang po kasi kami eh.

grabe ha, medyo nag-panting yung tenga ko dun. oo na mamahalin na printer mo at original yung ink.
hindi ko naman kinakailang mumurahin lang yung printer ko pero wag niya naman sanang ipamukha pa at ipagmalaki na disposable lang yung printer ko, marami kayang tao nakikinig.
'yaan mo pag-naging nurse ako yung pinaka-mahal na printer yung bibilhin ko tapos hindi ko na re-refill-an yung ink laging replacement, tapos 'pag may mag-papa-print sa akin ng 340 pcs. na certificate 'di ko na sila pababayaran ng 700 pesos libre nalang. ano?ha!

Posted by hanaKZ at 1:09 PM |
|


Monday, August 07, 2006

twenty-four

marami na naman akong iniisip at mga bagay na dapat gawin sa buhay ko. kung anu-ano at kung sinu-sino na naman ang pumapasok sa isip ko. grabe! ayoko na talaga dito parang masyado nang napapaisip yung utak ko ng kung anu-ano. para ngang lahat nalang ng mga bagay dito iniisip ko na pati problema ng ibang tao. ang hirap talaga ng ganito. sana naman kahit minsan magpahinga 'tong utak ko sa pagiisip ng kung anu-ano na hindi naman nakakatulong sa paglago ng spiritual life ko. sa ngayon ang gusto ko lang muna mangyari sa buhay ko ay magkaroon ako ng peace of mind pati na rin kaligayahan (hindi yung ibang uri ng kaligayahan ha!) pero ang alam ko Siya lang naman makakapag-bigay sa akin nun eh.

pero naisip ko rin, yung mga tao ngang lagi kong pinoproblema hindi ako iniisip eh, ako pa kaya na may mas marami pang importanteng bagay na dapat isipin kesa sa kanila. no ba! tigilan nyo na naman na ako.

kaya yun, nami-miss ko na naman yung CCC. hindi naman sa masyado kong kino-compare yung church namin dito sa CCC pero iba pa rin talaga sa CCC tska yung dati naming church. buti pa dun lagi akong excited mag-simba tuwing linggo. ang saya ng praise and worship tska ang ba-bait pa ng mga members kasi laging nakangiti at ang warm ng welcome. ( patawarin nyo po ako Lord pero di ko talaga maiwasang isipin yun eh.) miss na miss ko na talaga dun tska ka-close ko pa yung mga youth. tska di ko talaga makalimutan nung nag punta kami sa folk arts 6 pesoses lang pera ko nun ha, ang saya talaga, 24 hrs non-stop praise and worship pagkatapos nun pagka hapon punta pa kami sa concert sa dasma. 'di ko talaga makalimutan yung mga oras na yun.
pero dito, medyo snob mga tao. (sorry po ulit!) tsaka parang pataasan ng level. (may ganun?!) pero pinag-pe-pray ko talaga na kahit papaano makasundo ko rin naman sila. sana nga?..

nga pala, ang gaganda ng mga songs sa bagong album ng hillsong. nakaka-bless talaga.


gusto ko tuloy um-attend sa mga non-stop praise and worship. ang sarap talaga maging anak ni Lord. kaligayahan talaga yung mararamdaman mo hindi saya. kasi yung kasiyahan nandyan lang naman yan eh di katulad ng joy iba yung nararamdaman mo walang kapantay at para sa akin si Lord lang makakapagbigay nun. ohh..

Posted by hanaKZ at 9:59 PM |
|


Friday, August 04, 2006

dis-ting-guish

nakakatawa talaga mga pangyayari. 'ba naman hindi ako natanggap sa speech choir namin nung nag-audtion ako. sa lahat, yun na nga lang yung may pinaka-madaling paraan ng pag-0-audition tapos hindi pa ko nakuha. ako pa yung naguudyok sa mga classmates ko na sumali sa speech choir kasi napakadali lang ng audition tapos ako pa yung hindi natanggap at sila yung nakapasok. siguro dahil iyon sa nagkamali kong pagkakabigkas ng salitang "distinguish" imbis na dis-ting-gwish ang pagkakabasa ko ay dis-ting-gish. 'ba yan! pero ok lang kasi sabi ng classmate ko siguro may purpose kaya hindi ka nakapasok. nice naman! sayang nandon pa naman yung crush ko, hehehe...lumandi ba?! ayos lang yan!
pero hindi parin ako magsasawang mag-audition sa speech choir pag foundation week, hanggang 4th year na siguro 'to.

pero may bigla na namang dumapo sa isip ko..pano kaya kung classmate ko pa rin yung mga sisters slash true friends ko? siguro masasalihan ko rin yung folk dance, cheerdance at neo-ethnic. kasi sasabihin nung mga yun, "kayang-kaya mong mag-audition sa mga yan, kaw pa galing mo eh basta bigay mo lang yung best mo..go girl!" naks naman! bida na naman yung mga bruhang yun dito sa blog ko ah..totoo naman eh!

yan ang tinatawag na pagkakaibigan. kahit anong mangyari nag-tutulungan. sa saya, luha, lungkot, tawanan, harutan, galaan, problema pati na rin kalokohan magkakasama.

na-mi-miss ko na nga yung malakas (as in!) na tawa ko pag kasama ko sila, sa totoo lang ha, siguro magagawa ko ulit yung tawa ko na yun pag nakasama ko ulit sila.

Posted by hanaKZ at 11:03 PM |
|


Tuesday, August 01, 2006

wahahaha....


nakakatawa talaga yung mga taong mahilig mag-friendster. kanina in-open ko yung friendster ko tapos napagtripan kong buksan yung profiles and photos nung mga friends ko hanggang sa umabot na ako sa kung sinu-sinong di ko naman kilala. meron pa talagang iba serious sa pag-e-edit ng mga profiles nila tapos paramihan ng pictures, friends and accounts. feeling ko nga sa mundo ng friendster pag marami kang friends and testimonials sikat ka na. as if namang kaibigan mo lahat nung nasa friends list mo. yung iba nga eh prang ginagawa na nilang official website nila yung friendster, tindi! pero ayos lang, 'di ko naman gustong panghimasukan ang mga buhay ng mga taong adik at hooked na sa friendster. napansin ko lang naman.
mabuti nalang at naimbento ang pag-ba-blog, hehehe... kasi minsan kakasawa na rin mag-friendster eh. parang wala lang, i-che-check mo lang kung may nag send ng message, kung may nag testimonial, at nag friend requests.
hay naku, kung anu-ano na sinusulat ko pati friendster dinadamay ko na.
wala namang masyadong nangyari sa akin ngayong araw na ito. ayos lang! eto mga pangyayari sa buhay ko ngayong araw na ito:
kaninang madaling araw nanaginip ako, napadpad daw kami sa megamall kasama tatay ko, nanay ko at yung helper namin. yung tatay ko may inasikaso lang ata dun tapos kami naman ng nanay ko kasama yung helper namin ay nag-shopping (hanep sa panaginip!) humingi pa nga daw ng pera nanay ko sa tatay ko. pumunta pa nga daw kami sa sari-sari store at le donne tapos nag sukat ng kung anu-ano pero bigla nalang naputol eh. ang kulit nga magkakasunod na gabi ata akong nanaginip. yung 1st-3rd na panaginip ko, mga crush ko napanaginipan ko, di ko naman sila iniisip, hehehe...
nung umaga na, bumangon ako tapos bumaba kasi may tumatawag sa phone namin yun pala yung classmate ko lang na bading. pagkatapos nun nanood ako ng t.v tapos naligo, nagbihis, basa bible ta's pray tapos pumasok na ako sa school, 8:00 am pasok ko. pag pasok ko sa school wala naman palang klase nangolekta lang yung c.i namin ng mga sizes nung t-shirts namin para sa foundation week. nag-attendance lang ako, konting chika tapos yun diretso uwi para mag-review sa return demonstration namin. mga 9:00 palang nun nung umuwi ako. pag uwi ko luto akong hotcake tapos kain kasi di pa ko nag-aalmusal nun eh. pagkatapos aral konte. bigla bumaba kuya ko tapos nag-computer tapos naligo at umalis dinala yung sasakyan kasi sabi nya sa tatay ko bibili lang daw sya ng cartolina. 'ba naman pag balik may kasamang babae. jowa niya pala yun. gulat nga ko eh, lakas ng loob. tapos yun, pinakilala nya sa nanay ko pero ang sabi nya classmate nya lang daw, eh alam na naman na ng nanay ko na jowa niya yun eh. nung pagka 12:30 kumain na ako ng tanghalian ta's bihis ng uniform.
pagka 1:00 pasok na ulit ako skul pero pumunta muna ako sa bahay ng classsmate ko para manghiram ng chn bag para sa return demonstration namin. tapos nung pag dating ko na naman sa school hindi na naman natuloy yung return demonstration namin, kaya yun umuwi nalang ulit ako.
at eto ako ngayon nag susulat ng bagong entry para sa blog ko. kulit talaga. wahahaha...

Posted by hanaKZ at 4:11 PM |
|