bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

pasko atbp.
labing walo
ayoko nga eh
mga bakla o bading na naglipana
problema ng bayan
Home
bahala na!
ayoko ng feeling na to!
what if?
the maraming thoughts inside my ulo?

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Friday, July 28, 2006

halo-halo

marami na akong gustong isulat dito pero na washed out lahat dahil medyo busy ang life ko ngayon, lalong lalo na dito sa bahay namin.
kasi nung monday umuwi muna sandali sa kanila yung helper namin syempre ang nag take charge kami ng nanay ko at diko akalain na magagawa ko pala ng sabay ang magluto, magwalis, maghugas at maglinis ng refrigerator. nung araw na iyon lang ako ulit gumawa ng mabigat na gawaing bahay sa amin. eto pa, pag tapos kong gawin yung apat na gawaing bahay na iyon ay inayos ko ang bookshelf namin. grabe naging instant longkatuts ako.

nga pala speaking of longkatuts mapunta ulit ako sa pagiging dramatic. naalala ko dati nung highschool ako nagkaroon ng talented student search sa school namin. syempre reaksyon ko hindi ako mag-o-audition dyan kasi wala naman akong talent eh (as in wala talaga! sumayaw o kumanta, waa talaga!) kaso nga lang yung mga classmate kong babae mag-o-audition kaya pinilit rin nila ako. edi yun nangyari na ang hindi inaasahan. kinapalan ko nalang yung muka ko kahit balot na ng hiya ang buong katawan ko. syempre ang resulta na-in ako sa 1st screening, wahahaha...hindi dahil sa magaling ako, na-in ako dahil sabi nung mga jurors graduating student ako kaya kailangan ko ng maraming points. hanep talaga sa pam-palubag loob, kung baga consuelo de bobo na nila yun para sa akin. kaya nung 2nd screening hindi na ko nag dalawang isip, hindi na talaga ako nag-audition. 'ba naman, pakantahin ka ba naman mala sarah geronimo. di ko kaya yun ha! lahat nga ng classmate kong babae na-in eh, kaya yun! ako na lang lagi mag-isa pag uwian. sinabihan ako nung teacher ko na ako nalang ang taga-check ng attendance nila kapag may practice kaya dapat lagi daw ako nandoon at tapos medyo gagawin daw nila akong assistant. pumayag naman ako, kaya yun go.. sus! di ko naman aakalain na gagawin akong p.a pinaganda lang utusan pala. meron ngang isang pangyayari dun inantay ko silang matapos magpractice kasi sabi nung teacher ko kailangan hindi daw muna ako uuwi hangga't hindi pa sila umuuwi. tapos pag tapos nilang mag practice inutusan akong mag-ayos nung mga upuan 'ba naman sinabihan pa ako nung classmate kong "p.a?" na-hurt ako nun ha kahit ka-close ko pa siya. wala na nga akong talent ginawa pa kong p.a, muka ba kong katulong? wawa naman ako!

pero oks na ako, tapos na yun eh. tagal na! nilabas ko lang ngayon yung konting sama ng loob ko nung mga panahon na 'yon.
dami ko talagang kinikim-kim na sama ng loob. iniisa-isa ko na para mabawasan naman yung bigat, hehehehe.. naalala ko nga yung sabi nung prof. ko na kailangan tawanan ang lahat ng problems. problema na nga po-problemahin pa. kaya yun tumawa nalang kahit malungkot.
sana nga ang susunod kong masulat dito yung masaya-saya naman, hehehe... para naman maiba tsaka madalas puro kalungkutan nalang laman nitong blog ko.

wahahaha..naalala ko, kelan kaya ako makakapag-sulat ng corning lovelife ko dito?!, hehehe.. kung sa mga napapanood sa t.v eh medyo mate-take ko pa ang ka-cornihan pero sa real life parang hindi ko pa ata ma-take eh kasi pag-may nagsasabi sa akin ng mga ka-cornihan tumatawa ako ng malakas, wahahaha..pero kahit ganito ako na hindi ma-take ang mga ka-cornihan, nango-ngolekta rin ako ng mga crush ha. crush lang naman ah, walang masama dun. kung kelan nga naging college ako saka naman dumami crush ko. wala lang hanggang tingin lang, hehehe.. ni-isa nga sa mga classmate ko di alam yung mga crush ko, hehehe..para exciting!
don't worry, 'lam ko darating rin ako dyan. di ko naman kailangan mag-madali eh kasi yung love yung mag-hahanap sa akin. diba?!

Posted by hanaKZ at 7:40 PM |
|