bisikleta ko 'to
    ABOUT ME

i once was lost but now am found

    LAST POST

strawberry milk shake
period.
happy birthday nick jonas
voice your displeasure
switchfoot
ang napurnada kong pangarap
kung hei baboy
LOL
crap!
spiderman

    ARCHIVES

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
January 2008
February 2008
March 2008
June 2008
September 2009
October 2009

    TAGBOARD

    LINKS

yvetskie
kara
jhen
ruthing
paeng
irish/yeye
mikmik
talksmart
billycoy
gabz
david.edward
nostalgiamanila
anappleaday
tin
tinay
kate
liz
jemme
daniel
jazzy

Powered by Blogger

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Sunday, July 30, 2006

ako ang bida at walang kontra bida

kahit habit ko na ang pag mumuni-muni, naisip ko may masamang epekto rin pala ito sa akin. minsan ko na ring naisip na iwasan ang pag mumuni-muni dahil habang tumatagal puro negatibo ang pumapasok sa isip ko. lalo kong naiisip yung mga pangit na bagay na maaring mangyari sa mga susunod na araw. ayoko sanang isipin ang mga bagay na iyon pero bumabalik pa rin sya sa isip ko. laging sumusulpot sa isip ko ang mga takot at pag aalala ko. at dahil sa mga pag mumuni-muni ko nawawalan ako ng peace of mind. minsan nga naisip ko,"nababaliw na ba ako?" o "kailangan ko bang komunsulta sa isang psychologist?", talaga naman o nagagwa ng pag iisip ko.

pero kahit may ganoong epekto marami pa ring mga makukulit at masasayang bagay ang nadudulot ng isipan ko. minsan sa isang malaking simbahan na maraming tao ay pumasok ako at biglang pumasok sa isip ko,"ilan kayang tao ang makakapunta sa langit dito?" at minsan nasa gitna ako ng nagsisiksikang mga tao bigla na namang pumasok sa isip ko, "ilan kaya dito ang virgin pa?"
wahahaha...nakakatuwa talaga, kung alam lang nila ang nasa isipan ko.

sa bagay marami rin ang naitutulong ng pag mumuni-muni ko. dito natutupad ang mga bagay na imposibleng mangyari sa buhay ko, dito masaya kong nababalikan ang mga masasayang alala na ngyari sa buhay ko at dito laging ako ang bida na walang kontra bida.

Posted by hanaKZ at 7:05 PM |
|


Friday, July 28, 2006

halo-halo

marami na akong gustong isulat dito pero na washed out lahat dahil medyo busy ang life ko ngayon, lalong lalo na dito sa bahay namin.
kasi nung monday umuwi muna sandali sa kanila yung helper namin syempre ang nag take charge kami ng nanay ko at diko akalain na magagawa ko pala ng sabay ang magluto, magwalis, maghugas at maglinis ng refrigerator. nung araw na iyon lang ako ulit gumawa ng mabigat na gawaing bahay sa amin. eto pa, pag tapos kong gawin yung apat na gawaing bahay na iyon ay inayos ko ang bookshelf namin. grabe naging instant longkatuts ako.

nga pala speaking of longkatuts mapunta ulit ako sa pagiging dramatic. naalala ko dati nung highschool ako nagkaroon ng talented student search sa school namin. syempre reaksyon ko hindi ako mag-o-audition dyan kasi wala naman akong talent eh (as in wala talaga! sumayaw o kumanta, waa talaga!) kaso nga lang yung mga classmate kong babae mag-o-audition kaya pinilit rin nila ako. edi yun nangyari na ang hindi inaasahan. kinapalan ko nalang yung muka ko kahit balot na ng hiya ang buong katawan ko. syempre ang resulta na-in ako sa 1st screening, wahahaha...hindi dahil sa magaling ako, na-in ako dahil sabi nung mga jurors graduating student ako kaya kailangan ko ng maraming points. hanep talaga sa pam-palubag loob, kung baga consuelo de bobo na nila yun para sa akin. kaya nung 2nd screening hindi na ko nag dalawang isip, hindi na talaga ako nag-audition. 'ba naman, pakantahin ka ba naman mala sarah geronimo. di ko kaya yun ha! lahat nga ng classmate kong babae na-in eh, kaya yun! ako na lang lagi mag-isa pag uwian. sinabihan ako nung teacher ko na ako nalang ang taga-check ng attendance nila kapag may practice kaya dapat lagi daw ako nandoon at tapos medyo gagawin daw nila akong assistant. pumayag naman ako, kaya yun go.. sus! di ko naman aakalain na gagawin akong p.a pinaganda lang utusan pala. meron ngang isang pangyayari dun inantay ko silang matapos magpractice kasi sabi nung teacher ko kailangan hindi daw muna ako uuwi hangga't hindi pa sila umuuwi. tapos pag tapos nilang mag practice inutusan akong mag-ayos nung mga upuan 'ba naman sinabihan pa ako nung classmate kong "p.a?" na-hurt ako nun ha kahit ka-close ko pa siya. wala na nga akong talent ginawa pa kong p.a, muka ba kong katulong? wawa naman ako!

pero oks na ako, tapos na yun eh. tagal na! nilabas ko lang ngayon yung konting sama ng loob ko nung mga panahon na 'yon.
dami ko talagang kinikim-kim na sama ng loob. iniisa-isa ko na para mabawasan naman yung bigat, hehehehe.. naalala ko nga yung sabi nung prof. ko na kailangan tawanan ang lahat ng problems. problema na nga po-problemahin pa. kaya yun tumawa nalang kahit malungkot.
sana nga ang susunod kong masulat dito yung masaya-saya naman, hehehe... para naman maiba tsaka madalas puro kalungkutan nalang laman nitong blog ko.

wahahaha..naalala ko, kelan kaya ako makakapag-sulat ng corning lovelife ko dito?!, hehehe.. kung sa mga napapanood sa t.v eh medyo mate-take ko pa ang ka-cornihan pero sa real life parang hindi ko pa ata ma-take eh kasi pag-may nagsasabi sa akin ng mga ka-cornihan tumatawa ako ng malakas, wahahaha..pero kahit ganito ako na hindi ma-take ang mga ka-cornihan, nango-ngolekta rin ako ng mga crush ha. crush lang naman ah, walang masama dun. kung kelan nga naging college ako saka naman dumami crush ko. wala lang hanggang tingin lang, hehehe.. ni-isa nga sa mga classmate ko di alam yung mga crush ko, hehehe..para exciting!
don't worry, 'lam ko darating rin ako dyan. di ko naman kailangan mag-madali eh kasi yung love yung mag-hahanap sa akin. diba?!

Posted by hanaKZ at 7:40 PM |
|


Saturday, July 22, 2006

pasko atbp.

toinks!..ano ba isusulat ko?
nga pala kakadating lang ni father and mother galing aussie. sabi nila sobrang galing daw nung hillsong conference tapos sobrang nakakabless lalo na't ang isa sa mga speaker nila dun ay si Rick Warren (author of "The Purpose Driven Life"), pero ang lahat ng ito ay dahil kay God. galing talaga! sana makapunta din ako dun at makita ko si Marty Sampson, Reuben Morgan at Darlene Zschech. Sarap talaga maging Born Again Christian kakaiba yung feeling na ma-e-experience, iba talaga pag si Lord na ang gumalaw.

Sana mag Christmas na ulit kasi ang sarap nang feeling, i love it. parang di ko ma explain?! naalala ko dati nung bata pa ako naghahanda at nagpaplano na kami ng mga katropa kong uhugin kagaya ko (dati yun!) pag malapit na mag december kasi mangangaroling na naman kami at makakaipon ng pera. gusto ko na rin mag christmas kasi abala lahat ng tao tapos parang ang sarap pakinggan nung hangin at himig na dulot ng pasko (naks! parang kanta ata yun ah?) tska masarap ang feeling ng maraming nag-tetext sayo pag alas dose ng madaling araw ng 25, hehehe..at yun mapupuno na yung inbox ko, wahahaha... tapos chi-cha time na pero kadalasan hindi na namin inaantay mag alas dose bago kumain basta luto na ang lechon lafang na agad, di kasi masarap lasa pag malamig na yung balat. kaya yun kadalasan pag alas dose soft drinks o kaya red wine nalang inuupakan namin. ngayong malaki na ako, di ko na inaasahang may mag regalo sa akin pag pasko pero ayos lang kasi hindi naman yun yung heart ng Christmas eh. sa ngayon mas feel ko na, na ako yung mag-bibigay ng regalo basta may money lang. tsaka ok lang na walang mag regalo sa akin kasi nakakapamili naman kami ng mga bagong damit pag pasko. para sa akin ayos na yun.

paalala: oi mga ninong at ninang dyan, wag nyo takbuhan mga inaanak nyo pag pasko!!!

Posted by hanaKZ at 8:56 PM |
|


Tuesday, July 18, 2006

labing walo

dahil ngayong taon na ito ay mage-eightheen na ako, syempre kahit papaano gusto ko ring mag debut pero kahit papaano ayaw ko rin eh. at dahil ito sa:

18 na dahilan kung bakit ayaw kong mag-debut
  1. baka mag mukha na naman akong patay dahil sa make-up ko. 'ba naman nung prom namin eh tinadtad nung bakla ng foundation yung mukha ko, kaya ayw kong nagpapamake-up sa bakla eh.
  2. tinatamad akong mag-diet. syempre kailangan maganda ang figure pag debut mo.
  3. hindi ko makakasama yung mga miss na miss ko nang mga friends and ka church mates ko. di kumpleto debut ko pag wala sila.
  4. masyadong maraming preparation dapat kainan nalang agad.
  5. hindi pa ako pumuputi.
  6. hindi kumpleto yung 18 candles ko.
  7. hindi kumpleto yung 18 tulips ko.
  8. kung magde-debut man ako, karamihan sa aattend ng debut ko ay hindi ko ka-close tapos yung iba hindi ko pa kilala.
  9. masyadong magastos, ipang sha-shopping ko nalang yung pera.
  10. hindi ko type mag-gown kasi mabigat.
  11. ayoko mag suot ng heels kasi hindi ako comportable, pwede ba magflats?
  12. meron akong pinaka ayaw na part sa debut, ang pag ii-speech sa harapan.
  13. wala akong maisip na magandang venue kung meron man baka maubusan ng buhok ang tatay ko sa mahal.
  14. imbis na cake, limang layers ng leche flan ang ipapagawa ko pero hindi ata pwede kasi sandamukal na langgam ang magfi-fiesta.
  15. hindi papapasukin ang walang regalo. wahaha..ang ending walang pupunta sa debut ko kasi lahat pala ng bisita ko ay balak na hindi magdala ng regalo.
  16. marami na namang ka-cornihan ang magaganap.
  17. dahil wala namang magreregalo sa akin ng kotse. toinks!
  18. at dahil pang mga sosyal at kikay lang ito. di naman ako kikay, no! mas lalong hindi ako sosyal.

Posted by hanaKZ at 1:03 PM |
|


Friday, July 14, 2006

ayoko nga eh

minsan kahit mabait ang isang tao meron parin silang mga bagay na ayaw nilang gawin o dapat hindi mo kinokontra. tulad ko, sa totoo lang mabait talaga ako..naks! (syempre nagbago na ako eh!) pero marami paring maliliit na bagay ang ayoko katulad nalang ng:

kulang pa yan, hehe..hindi naman sa sobrang maldita talaga ako pero naiinis talaga ako sa mga ganung bagay. ganyan talaga, tao lang hindi perpekto. sana nga mawala na yung ugali kong maiinisin at maging mabait na talaga ako pero hindi nagpapa-api.

Posted by hanaKZ at 2:22 PM |
|


Thursday, July 13, 2006

mga bakla o bading na naglipana

totoo nga talaga ang mga sabi-sabi na "ang mga bakla ay dumadami kahit hindi sila nanganganak."

biruin nyo ba naman itong lugar namin ay tinaguriang "gay capital of the philippines" at yan talaga ay napatunayan ko.
kasi nung fiesta dito sa amin merong street dancing syempre nanood kami ng mga kaklase ko at ayon ang mga manay star dancers (meaning mga bading) nag-reunion. imaginine mo mga bata palang e berde na ang dugo.

actually, pati nga mga babae dito e mahilig na rin sa mga gay linggo. ano ba yan?! sa totoo lang natutuwa ako pag-may kasama akong mga bakla kasi sila ang nagsisilbing clown sa grupo pero sa babaeng bakla bihira lang akong matuwa kasi minsan nagiging o.a na sila. pasensya na sa mga babaeng bakla dyan kung nababasa nyo to (at yun ay kung may mga interesadong magbasa ng blog ko) kasi minsan may mga pagkakataon na hindi na kayo nakakatawa. pero at least, minsan nakakadagdag din naman kayo ng kasiyahan sa buhay.

siguro di magtatagal e magme-merge na ang mga bakla at babae dito sa amin at iisa nalang ang tawag sa kasarian nila pero di ko pa alam kung ano ang itatawag babae ba o bakla. at dahil minsan inaabuso o inaapi ng mga lalake ang mga bakla at babae e gagawa sila ng isang robot na magpoprotekta sa karapatan ng mga babae o bakla at ang robot na iyon ay tatawagin nilang................"baaaaaaahhh-diiiingngngngng-gggggeeeerrrrr Z (echo...zzz)"

Posted by hanaKZ at 4:41 PM |
|


Tuesday, July 11, 2006

problema ng bayan

base sa aking mga obserbasyon, ngayong mga panahon na ito e iisa ang problema ng mga tao at ito ay ang walang kasing kupas na l-o-v-e at imagine para specific l-o-v-e ng mga magjo-jowa, ano ba?!. sa school namin, sa church, sa tabi-tabi at maging sa mga kapitbahay namin. ano bang nangyayari sa mundo? hindi naman sa hindi ako marunong mag-mahal (pasensya na, yaks! talaga..) pero wala na bang ibang dapat problemahin?

naiinis ang mga taong 'to pag iniiwan sila ng mga jowa nila, edi wag silang mag-boypren.
naiinis ang mga taong 'to pag hindi sila bina-bati ng mga jowa nila, edi wag nilang awayin.
naiinis ang mga taong 'to pag hindi nauunang tumawag o mag-text ang mga jowa nila, edi sila ang unang gumawa nun.
naiinis ang mga taong 'to pag seloso o selosa ang mga jowa nila, edi hiwalayan nyo.

biruin mo etong mga babaeng 'to masyadong pakipot nung nanliligaw pa lang ang mga lalake sa kanila e kilig na kilig sila tapos nung magsyota na sila inaaway nila para suyuin sila, (yaks! ha ang corny) tapos nung hiniwalayan na sila, hahabol-habol sila at made-depress.
at etong mga lalaking 'to nung nanliligaw sila e napaka sweet tapos lahat pa daw e gagawin nila para sagutin lang sila ng mga nililigawan (lumang tugtugin na yan!) nila tapos nung magjowa na sila nangbababae naman at nung naghiwalay na sila saka lang nila mare-realize na mahal pala nila yung jowa nila.

talaga naman o, di naman sa magpapaka-matandang dalaga ako pero ano ba? kayo lang naman gumagawa ng sarili nyong problema eh. mabuti pa ang problemahin ninyo ay kung pano kayo papasa sa mga prelim, midterm, semi-final, final exams at mga mini thesis ninyo.
come to think of it?! saka na problemahin yan pag-naka graduate na tayo.

sige batsi muna ako, magrereview pa ako, may exam pa kami. hehehehe....

Posted by hanaKZ at 10:16 AM |
|


Sunday, July 09, 2006

Home



i like this song, ngayon ko lang na-appreciate..

Posted by hanaKZ at 9:31 PM |
|


ako? marami akong gustong sabihin at isulat kasi ang dami kong dapat ilabas galing sa loob.
dapat kasi nasa church ako ngayon pero di ako nag-punta kasi nawalan na ako ng gana. kasi ang gusto ng mga kasama ko dito lalo na yung kuya kong madupang (pasensya na para sa akin yun yung eksaktong word na dapat gamitin) na ako mag-bayad ng pamasahe nila. pano ba naman kasi hindi na naman nag-start yung sasakyan. alam ko masyadong mababaw pero hindi eh lagi nalang akong lugi! tsaka kaya naman ako nainis kasi lagi namang nangyayari yun eh tapos ako na nawalan. hindi naman sa nag-dadamot ako pero hello! ipon ko kaya yun tsaka pang-offering ko.
kasi eh, matagal ko ng sinabi na ayaw ko dito. sila lang naman masaya tsaka ayaw ko ng maging lugi no! buong buhay ko parang lagi nalang akong lugi. siguro kung dun ako nag-aaral sa manila ngayon edi tahimik buhay ko.
suppose to be hindi mga problems at sama ng loob yung sinusulat ko dito pero wala akong magawa eh yun yung nangyayari sa buhay ko. hay naku! kelan kaya ako makakapag-sulat ng mga masasayang happenings sa buhay ko dito? siguro hindi lang masyadong umaayon ang panahon sa akin ngayon. bahala na!

Posted by hanaKZ at 9:49 AM |
|


Friday, July 07, 2006

ayoko ng feeling na to!

sa ngayon hindi ko pa rin ma-overcome ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko. naiinis ako kasi napaka-praning ng isip ko.
sana pinanganak nalang akong walang paki-alam sa mundo para hindi na ako nahihirapan, sana pinanganak nalang akong walang guilt feelings, sana pinanganak nalang ako na kayang maging masaya kahit mag-isa, sana pinanganak nalang akong laging masayahin at walang paki-alam sa mga taong nakapaligid sa akin at sana pinanganak nalang ako sa mundong pwedeng i-rewind ang buhay.
pero hindi! iba ang katotohanan at reyalidad sa pag-iisip ng isang tao kaya kaylangang tanggapin. sa ngayon ito lang ang hinihiling ko, sana maging masaya ang lahat ng tao, wala nang away sa mundo at maging mabait sana sa akin ang lahat ng tao sa paligid ko. hindi ito madaling gawin pero pwedeng mangyari.
siguro karma to sa lahat ng mga di magagandang bagay na pinag-gagawa ko pero sana lumipas na rin ang lahat ng ito. kailangan ko itong kayanin kasi ako at ang DIYOS lang ang makakatulong sa sarili ko.
LORD, kelan mo kaya ako kukunin? alam ko hindi magandang sabihin 'to pero handa na ako. kung hindi pa pwede Kayo na po ang bahala sa akin.
(sa totoo lang ang drama pala ng buhay ko ngayon ha!)

Posted by hanaKZ at 3:21 PM |
|


Tuesday, July 04, 2006

what if?

kanina pa ako napapaisip (sa classroom pa lang), what if natuloy ang plano kong sa manila mag-aral?ano kaya ginagawa at buhay ko ngayon?
siguro kasama ko sa boarding house sila jen at yvet kasi yun naman talaga plano namin eh. siguro medyo payat na ako ngayon kasi lagi ako nasho-short sa budget dahil sa pagiging gastadora kaya yun purgado na ako sa sardinas, hehehe.. pero alam ko ishe-share ni jen at yvet yung pagkain nila sa akin (kapal ko talaga) hehehe.. siguro lagi akong puyat kasi tuwing gabi lagi kami nagkwe-kwentuhan nila jen at yvet. siguro masaya pa rin akong nakakapag-church sa CCC. siguro tadtad ako ng utang kay yvet. siguro lagi ko tinatawanan si jen. siguro puno na ng kalyo ang kamay kasi ako naglalaba sa mga damit ko. siguro tadtad na ng pimples ang noo ko dahil sa kapal ng polusyon sa manila. siguro nakakagala na ako sa SM ngayon pero puro window shopping lang. siguro busy ako sa school ngayon dahil sa hirap nang mga subjects namin. at siguro naka upo ako ngayon sa isang internet cafe, nagba-blog at sinusulat ang, what if natuloy ang plano ng tatay kong magaral ako sa mindanao?

pero pumayag nalang ako sa gusto nila kasi malay natin may magandang plano si LORD para sa buhay ko. kaya yun sumasabay na lang ako sa agos ng panahon. pero kung papipiliin ako mas gusto ko parin magaral dun sa kung saan ako lumaki kasi masaya ako tsaka feeling ko dun ako belong hindi tulad dito parang hindi umaayon ang mga bagay bagay sa akin.

Posted by hanaKZ at 3:22 PM |
|


Monday, July 03, 2006

the maraming thoughts inside my ulo?

inaamin ko, ako ay isang paranoid na tao. kasi ba naman lahat nalang ng bagay na walang kinalaman sa buhay ko ay iniisip ko kaya siguro minsan madalas akong napapraning. siguro kaya rin ako nagiging malungkot dahil sa mga bagay na lagi kong iniisip na hindi naman dapat isipin. sa totoo lang masyadong advance mag-isip ang utak ko at yan ang dahilan kung bakit ako nahihirapan sa kung anu-anong bagay.
isa pa sa mga pangit kong katangian ay ang pagiging negative thinker. syempre iniisip ko na agad ang mga pangit na bagay na pwedeng mangyari at pag nangyari na ang lahat ng iyon hindi na ako magiging disappointed, o diba medyo may sense din sya?! pero sa totoo lang mali talaga yun! sabi naman ng classmate ko (isa syang positive thinker) ba't nya naman iisipin ang mga negatibong bagay kung meron namang mga positibong bagay ang pwedeng isipin (may sense rin to!) no. pero i can't help it, hindi ko maiwasang maging negative kasi siguro marami naring kapalpakan ang nangyari sa buhay ko.
pero lahat nang ito ay pinagpe-pray ko na kay LORD kasi alam ko siya lang naman ang makakatulong sa akin. kagabi nabasa ko sa daily bread ang verse na ito:
"lay aside every weight , and the sin which so easily ensnares us"
medyo di ko naiintindihan yung word na "ensnares", hehehe... pero nafi-feel ko itong verse na ito. siguro kaylangan ko lang talagang tigilan na yung mga worries ko at pagiging praning ko sa buhay para makapag journey ako ng maayos sa sa aking so called "life."

naisip ko rin yung mga tao na gumugulo sa isip ko ay dapat na tigilan ko na rin ang pag-iisip ko sa kanila, kung sila nga siguro di ako iniisip ba't ako iisipin ko sila.
alam ko medyo nagiis-struggle pa ko sa mga ganitong bagay pero tina-try kong wag nang isipin ang mga bagay na hindi dapat isipin and tina-try ko na ring hindi mag-isip na mga negatibong bagay. basta i'll try my best para mabago ko yung iba kong out look sa aking so called "life."

hehehe..as usual miss ko na talaga yung mga friends ko, yung mga true ang good friends ko na laging nandyan pag kailangan ko ng tulong. nami-miss ko na sila kasi sila yung laging nag-papalakas ng loob ko pag-naduduwag ako, lagi nila akong kino-convince na may talent ako, pag may mga problems ako hindi sila naghe-hesitate na tumulong, sobra-sobrang encouragement ang natatanggap ko galing sa kanila, ang center ng friendship naming lahat ay si GOD, nakakasama ko sila sa saya at lungkot ng so called "life." iba, da best at hindi na ako makakahanap ng mga tunay na kaibigan na katulad nila. (grabe na to naiiyak na ko sa speech ko, para akong nag-papasalamat sa mga sponsors ko..hehehe...)

Posted by hanaKZ at 12:45 PM |
|