Friday, August 08, 2008
ETO Ka!
galing 'to sa multiply ko:
oo nga naman, lalake lang ba ang makakabuo sa pagkatao nang isang babae? o sige pagpalagay nating parte nga ng kabuuan ng isang babae ang lalake pero haller! sa tingin ko there's more to life no!
hindi porket single ka, loser ka!
hindi naman sa ayaw ko sa mga lalake, sa katunayan nga ang sarap ng mga lalake (joke lang!), i mean masarap sa paningin, syempre lalo na pag gwapo. pero ang hindi ko lang matanggap eh kung bakit kawawa ang tingin nila sa mga single na katulad ko? sakalin ko kayo eh, inaaantay ko lang ang God's right time. yun, yun!
may tamang panahon para sa mga bagay-bagay. kung yung 10 items na quiz namin sa NCM 104 hindi ko ma-perfect eh, ang jumowa pa kaya?!
relax lang darating din tayo jan.
Posted by hanaKZ at 10:33 PM |
|
Tuesday, June 03, 2008
switchfoot
MAMIMISS KO 'TONG BLOG KO PERO DITO NA AKO MAMAMALAGI AT DITO KO NA ISINUSULAT AT IBINUBUHOS ANG AKING MGA SALOOBIN.
kitakits!
Posted by hanaKZ at 8:44 PM |
|
Wednesday, March 05, 2008
ang napurnada kong pangarap
na-missed ko dito.
ang hirap talaga ng buhay student nurse. daming requirements ta's sunod-sunod ang mga exam may kasama pang duty. pero sa tingin ko walang mas hihirap pa sa taong kumukuha ng isang course na hindi niya naman gusto. damn!
imagine kelangan mong mag-aral ng mga disease process at mga systems sa katawan ng isang tao. mga circulation, pressure, normal values, etiologic factors, nursing dx, clinical manifestations, drug actions, pathophysiology, nursing interventions, etc. (di pa kasama minor subjects jan) taena! ang hirap! lalo na sa tulad kong average o mas mababa pa ata sa average ang utak.
sana pinanganak nalang akong genius o kaya may photographic memory. ang hirap mag-memorize, kala niyo ba yun. sabi ko nga sa nanay ko "mi, pag-graduate ko magda-drummer nalang ako", parang walang pangarap sa buhay eh no.
meron akong pangarap, isang magandang pangarap sa buhay. na-vanished ang lahat ng ito nung kumuha ako ng nursing.
dati 'pag nagala kami ng nanay ko sa makati, natutuwa ako 'pag nakakakita ako ng mga taong naglalakad na naka pang office na attire. sabi ko sa sarili ko sana ganun din ako 'pag nagtrabaho na ako. bumababa sa isang kotse, naka pang office na attire, ta's may dalang laptop at ice tube(architect daw ako, hihi..) tapos naglakad papunta sa isang mataas na building, "hoy! gising na! nananaginip ka na naman!", diba ayos yun?!
hay nako! wala e, dito ako inagos ng buhay. masakit pero kailangan tanggapin. makapasa kaya ako sa board exam? 'pag hindi.........nanawagan ako sa mga kabigan ko jan, ampunin niyo ko kung sakaling umasenso man kayo sa buhay.
Posted by hanaKZ at 6:15 PM |
|
Thursday, February 07, 2008
kung hei baboy
kahit year of the rat na, babuyan pa rin ang trip namin. walangjek! nakakababoy na, nakaka-poor pa.
may kwento ako. yung crush ko since 2nd year college eh alam niya na may crush ako sa kanya. nakakahiya ba yun o nakakakilig? ang corny parang high school. tapos nagkataon pang classmate ko siya sa history, taena, im dead! (brue, kilala mo kung sino yun. nakwento ko na yun sa'yo)
kahapon duty namin sa ER at OPD. at last! nagka minor surgery case na rin ako. first time, nanginginig pa. sana maka-tsamba ulit kami next week.
na-miss ko mag-blog. di lang ako masyadong nakaka-update ngayon kasi busy ta's di ko alam kung ano i-po-post ko. na-drain na utak ko, ang bilis kasi mag-discuss nung C.I. namin sa pathophysiology. nosebleed na, increase ICP pa. sa finals magkaka cerebral edema na siguro kami. perfect!
Posted by hanaKZ at 6:09 PM |
|
Saturday, January 12, 2008
LOL
kanina wala akong magawa ta's naalala ko yung mga kabalastugang pinag-gagagawa namin ng mga classmate ko. wahahahaha....ang saya!
sana ganun palagi, no dull moments. kahit na nagkaklase na yung C.I. namin tawa pa rin kami ng tawa tapos kung anu-ano pang mga jokes at nakakatawang lines pinagsasasabi namin. yan tuloy ang baba ng kuha ko sa post test namin, wala kasi 'kong ginawa kundi tumawa eh.
PERFECT!
Posted by hanaKZ at 8:34 PM |
|
Wednesday, January 09, 2008
crap!
nakaka-burat naman o! ano ba 'to!
ang lungkot ko kanina habang iniisip ko rin yung mga issues ko sa buhay parang katulad nung kay brue. sucker talaga 'tong mga issues na 'to, sarap niyo murahin. (e kung ako kaya maging problema ta's kayong mga problema maging ako, ha, ha, ha....#$%^*&@! gusto niyo suntukan nalang e, ano ha?!)
Posted by hanaKZ at 2:38 PM |
|
Tuesday, October 23, 2007
spiderman
" people will adore and love you for all the things you have done for them, but will hate you for a single mistake. that's the irony of life." - uncle Ben
Posted by hanaKZ at 12:34 PM |
|